Tips Para sa mga Kababaihan

Written by RPCRD on . Posted in Crime Prevention Tips

1.     Kung kailangang sumakay sa Jeepney, mas makabubuti na huwag sumabay kung lahat ng mga pasahero ay  lalaki.

2.     Sa mga estudyante, hangga’t maaari, pumili ng pang-umagang subjects. Kung ito ay hindi posible tiyaking laging may kasamang kilala sa pag-uwi sa gabi. 

3.     Ang madalas na pangho-holdap at iba pang krimen ay nangyayari sa madidilim na parte ng daan. Umiwas sa mga ganitong lugar.

4.     Huwag basta tumanggap ng offer na pagsakay sa mga taong hindi mo kilala. Ito ang madalas na pagkakamali ng mga biktima ng pang-gagahasa.

5.     Huwag tumanggap ng anumang bagay mula sa mga di-kilala. Kahit na kendi, inumin o pagkain. Hindi nakakasiguro kung ang mga ito ay may mga bawal na gamot o may sangkap na nakakahilo o nakakabigay ng karamdaman.

6.     Kung laging naglalakbay na mag-isa, mas mabuting magdala na rin ng gumaganang tear gas canister.

7.   Magsisigaw at humingi ng tulong kapag nasa panganib.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us