PRO9 Appeal to the Public in Helping Stop Shooting Incidents in Zamboanga Peninsula

Written by PSSUPT MICHAEL M NICOLAS, C,RPCRD on . Posted in News Release

Ang pagkakaroon po ng insidenteng patayan at barilan sa ating lugar ay tumataas ang bilang base sa pagsusuri sa taong 2016. Ang Police Regional Office 9 ay nakikiramay sa mga kamag-anakan at mahal sa buhay ng mga pinatay ng mga walang pusong mga kriminal, ang taos pusong panalangin ay inaalay namin sa kanila sa ikakatahimik ng kanilang kaluluwa.

Ang kapulisan ay patuloy na umaaksyon sa pag-iimbestiga upang mahanap at madakip ang mga kriminal upang makamit ang katarungan at kapayapaan. Ang kapulisan ay nakikiusap sa publiko na bantayan ng maayos ang kanilang mga tahanan para sa kaligtasan ng bawat isa. Hinihikayat namin ang publiko na ibalita agad ang sinumang nakakaalam ng kinaroroonan ng mga kriminal na ito upang wala nang mabiktima pa.
Kung meron po kayong impormasyon, mangyari lamang po ipadala ang mensahe sa numero ng PRO9 CRMC Hotline- 0917-5771-997, PRO9 RID KKK Hotline - 0917-1131-907 and KKK Android Mobile App. Maraming Salamat po sa inyong pakikipagtulungan.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us