PRO9 Urges the Renewal of Expired Firearms License

Written by PSSUPT MICHAEL M NICOLAS, C, RPCRD on . Posted in News Release

Ang Police Regional Office 9 ay may listahan ng mga personalidad na nag mamay-ari ng “un-renewed” firearms base sa pagsusuri sa taong 2016. Ang Zamboanga City Police Office ay may talaan na bilang 11,283; ang Zamboanga del Norte Police Provincial Office ay may 5,096; ang Zamboanga Sibugay ay may bilang na 6,396; at ang Zamboanga del Sur Police Provincial Office ay may bilang na 7,046.

Ang karamihan ay lubos na nababahala sa mga bilang ng mga baril (loose firearms) na ito na hindi na renew at may posibilidad na nagagamit sa iligal na gawain lalo na sa pagpatay ng mga inosenteng tao.

Ang kapulisan ay nakikiusap sa publiko na nag mamay-ari ng mga baril na ito na i-renew na po upang maging legal sa mata ng batas at publiko.

Kung meron po kayong impormasyon tungkol dito agad ipagbigay alam sa mga awtoridad at mangyari lamang po ipadala ang mensahe sa numero ng PRO9 CRMC Hotline- 0917-5771-997, PRO9 RID KKK Hotline- 0917-1131-907 and KKK Android Mobile App. Maraming Salamat po sa inyong pakikipagtulungan.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us