ZCPS9 Donates Wheelchair to Indigent PWD

Written by RPIO9 Media Center on . Posted in Activities

Kahit anumang unos na dumating, ang tauhan ng Police Station 9 Ayala sa pamumuno ni PMAJ RAMON I BAUTISTA JR. ay tuloy pa rin sa pagtulong sa mga kababayan natin. Habang nagbigigay ng relief goods sa mga nangangailangan ay napansin at nakuha ni JENMAR PARAGAD (PWD) ang atensyon ni PMAJ RAMON I BAUTISTA dahil gamit gamit lamang nito ang isang banyera para makagalaw dahil wala itong wheel chair. Agad na binigyan ni PMAJ BAUTISTA ng kaunting pera at relief goods ang nasabing Person with Disability. Dahil sa adhikain ng Station 9 ang tumulong, pagkalipas ng ilang araw bumalik ang mga tauhan ng Police Station 9 sa pamumuno ni PMAJ BAUTISTA bitbit na ang biniling Wheelchair at ibinigay kay Jenmar Paragad.

ZCPS5 Gives Relief Goods for Blind Couple in Divisoria

Written by RPIO9 Media Center on . Posted in Activities

#KapwaKoSagotKo Labis ang tuwa ng mag asawang Julita at Romeo Helbero nang sa pangalawang beses ay dinalhan sila ng tulong ng mga pulis galing Divisoria Police Station. Ang mag asawa ang napili ng Divisoria Police Station para sa programang "Kapwa Ko, Sagot Ko" adopt a family program ng PNP, sa kadahilanang ang mag asawa ay parehong bulag at naninirahan sa Lumiyap, Divisoria Zamboanga City.

Officer Ladies Club Donates Goods for Frontliners

Written by RPIO9 Media Center on . Posted in Activities

Kami po ang lubos na nagpapasalamat sa ibinahagi ng Officers' Ladies Club na mga bottled water, gloves, face shields, food packs, multi- vitamins, at face masks para sa ating mga frontliners sa pangunguna ni Mrs. Ann Salvado. Malugod namang tinanggap ni PBGen. Froilan F Quidilla ang mga donasyon na makakatulong sa pagpapatupad ng seguridad laban sa COVID-19.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us