ZCPS5 Gives Relief Goods for Blind Couple in Divisoria

Written by RPIO9 Media Center on . Posted in Activities

#KapwaKoSagotKo Labis ang tuwa ng mag asawang Julita at Romeo Helbero nang sa pangalawang beses ay dinalhan sila ng tulong ng mga pulis galing Divisoria Police Station. Ang mag asawa ang napili ng Divisoria Police Station para sa programang "Kapwa Ko, Sagot Ko" adopt a family program ng PNP, sa kadahilanang ang mag asawa ay parehong bulag at naninirahan sa Lumiyap, Divisoria Zamboanga City.

Ang pinagkukunan nila ng kabuhayan noong wala pang enhance community quarantine ay pagbebenta ng walis tingting at mga basahan. At ngayong nag lockdown na ay wala ng pangkabuhayan ang mag asawa at umaasa na lamang sa bigay ng mga kapit bahay na naghihirap din dahil nawalan din ng kabuhayan. Labis ang kanilang pasasalamat sa mga taong nagbigay ng tulong sa kanila at sa panginoong diyos na hanggang ngayon ay binibigyan sila ng masiglang pangangatawan.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us