ZCPS9 Donates Wheelchair to Indigent PWD

Written by RPIO9 Media Center on . Posted in Activities

Kahit anumang unos na dumating, ang tauhan ng Police Station 9 Ayala sa pamumuno ni PMAJ RAMON I BAUTISTA JR. ay tuloy pa rin sa pagtulong sa mga kababayan natin. Habang nagbigigay ng relief goods sa mga nangangailangan ay napansin at nakuha ni JENMAR PARAGAD (PWD) ang atensyon ni PMAJ RAMON I BAUTISTA dahil gamit gamit lamang nito ang isang banyera para makagalaw dahil wala itong wheel chair. Agad na binigyan ni PMAJ BAUTISTA ng kaunting pera at relief goods ang nasabing Person with Disability. Dahil sa adhikain ng Station 9 ang tumulong, pagkalipas ng ilang araw bumalik ang mga tauhan ng Police Station 9 sa pamumuno ni PMAJ BAUTISTA bitbit na ang biniling Wheelchair at ibinigay kay Jenmar Paragad.

Lubos ang saya at pagpapasalamat nito sa hepe at sa mga kapulisan ng PS9 dahil mas nabigyan sya ng pag-asa at lakas upang makayanan ang lahat ng bagay.

May kapansanan man si Jenmar at pasan ang bigat ng hamon ng buhay, masaya siya na kahit PWD Alam niyang makakaya na niya dahil sa malaking tulong na binigay sa kanya Ang "Wheelchair". Ngayon maayos ng nakakagalaw si JENMAR PARAGAD, hangad ng Police Station 9 na hindi lamang ngiti at tuwa ang naibigay ng aming Kapulisan kundi ang inspirasyon na kahit anong hamon sa buhay ay makakaya kahit gaano man kahirap.

Lock full review www.8betting.co.uk 888 Bookmaker

Connect with us